Artist: | Ef Magaj (Tagalog) |
User: | mzb ministry |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Default |
Abusive: | |
Comment: | - |
Sumasampalataya kami na ang bibliya ay mula sa Diyos, ganap, at kinasihang Salita ng Diyos.
Sumasampalataya kami sa Diyos, na Siyang Kataas-taasang walang pasimula at walang katapusan, ang bukal at pinagmulan ng lahat ng bagay, lubos sa Kanyang katangian, iisang Diyos sa tatlong persona.
Sumasampalataya kami sa persona ng Banal na Espiritu, sumasampalataya kami na Kanyang isinasakatuparan ang dakilang plano ng ating kaligtasan. Pinapanahan niya ang mga mananampalataya at pinapalakas Niya sila para sa ating paglilingkod.
Sumasampalataya kami na ang tao ay nilikha ng Diyos sa kanyang wangis at sa pamamagitan ng Kanyang sariling kagustuhan, na nasadlak sa kasalanan at kamatayan, kung kaya’t ang bawat tao ay makasalanan at nasa ilalim ng kahatulan.
Sumasampalataya kami na ang kaligtasan ay tanging sa biyaya lamang, na ang Panginoong Jesu-Cristo ay ang tanging Kaligtasan.
Sumasampalataya kami na ang lahat ng tumanggap sa Panginoong Jesu-Cristo bilang kanilang sariling Tagapagligtas ay ligtas magpakailanman, na ang katiyakan ng mga mananampalataya ay nakasalig lamang sa tinapos na gawain ni Cristo sa krus ng Kalbaryo.
Sumasampalataya kami sa banal na kapanganakan ng Panginoong Jesu-Cristo, na Siya’y Diyos at naging tao, sa Kanyang banal na pamumuhay at kamatayan bilang kabayaran sa ating kasalanan.
Sumasampalataya kami sa muling pagkabuhay ng Kanyang katawan, sa Kanyang pag-akyat sa langit, at sa Kanyang muling pagbabalik bago ang sanlibong taon ng kanyang paghahari sa lupa at sa katapusan ng sanlibutan.
Sumasampalataya kami sa walang hanggang kapanatagan ng mga ligtas sa langit at sa walang hanggang kahatulan ng mga napapahamak sa walang hanggang apoy sa impiyerno.
Sumasampalataya kami na ang Iglesia ng Bagong Tipan ay kalipunan ng mga nabautismuhang mananampalataya, na isinasagawa ang mga prinsipyo ng Bagong Tipan, na mahigpit na pinag-iingatan ang mga doktrina, na ipinapatupad ang mga ordinansa nito, may kasarinlan, at ipinapahayag ang Mabuting Balita ni Cristo.
Sumasampalataya kami sa pansariling kasarinlan at sa kasarinlan ng bawat lokal na iglesia. Kami’y naninindigan laban sa anumang pagbabago ng mga doktrina at kaparaanan na nagbubunsod sa hindi pagtalima sa bibliya at pagkabalewala ng mga pangunahing doktrina.