Artist: | Ef Magaj (Tagalog) |
User: | mzb ministry |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
Ilang awit na ang naisulat
Para lang ipahayag na si Jesus ay tapat
Ilang letra na rin ang nailathala
Upang itanyag ang Mabuting Balita
Ilang kwento na ba ng mga himala
Ang s'yang sinambit sa gitna ng madla
Laksang buhay na rin ang nabigyan ng pagasa
Ngunit bakit si Jesus tila sa puso mo'y hanggang ngayon
Ay wala
KORO
Marami nang sumubok ngunit wala pang nabibigo
Marami nang sumuong na hanggang ngayon ay nakatayo
Kaliwat kanan ang tinig milyon nang mga bibig
At ang bulong ng Dios na ang sabi'y 'Mahal Kita'
'Pagka't maging buhay ko'y inalay ko
Dahil mahal kita
Puso mo ay iyong buksan
Isasama kita sa langit na bayan'
Ilan pa bang mga pagsubok
Upang iyong iwan ang mga gawang nabubulok
Bakit hindi ka manampalataya
Sa Panginoong Jesus na nagdusa dahil sa ating
Mga sala
KORO
Marami nang sumubok ngunit wala pang nabibigo
Marami nang sumuong na hanggang ngayon ay nakatayo
Kaliwat kanan ang tinig milyon nang mga bibig
At ang bulong ng Dios na ang sabi'y 'Mahal Kita'
'Pagka't maging buhay ko'y inalay ko
Dahil mahal kita
Puso mo ay iyong buksan
Isasama kita sa langit na bayan'
(Instrumental)
Ngayon ang panahon hindi bukas makalawa
Baka pinto'y sumara at tuluyang maiwan ka
Ang langit ay handang ibigay sayo ng Ama
Kung ikaw lamang sa kanya'y magpapakumbaba...
KORO
Marami nang sumubok ngunit wala pang nabibigo
Marami nang sumuong na hanggang ngayon ay nakatayo
Kaliwat kanan ang tinig milyon nang mga bibig
At ang bulong ng Dios na ang sabi'y 'Mahal Kita'
'Pagka't maging buhay ko'y inalay ko
Dahil mahal kita...