Artist: | Ef Magaj (Tagalog) |
User: | mzb ministry |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
Sindami man ng patak ng ulan
Bumubuhos na kasalanan
Bumaha man ng karumihan
Kailangan nga bang magalinlangan
Dumugin man ng kamalian
Kalokohan na di mabilang
Bisyong alak lagi sa sugalan
Ang Diyos kaya ako'y pakikinggan
Koro 1:
Ayaw ko na ngunit bakit ganito
Sa kasalanan ay in na in ako
Ang puso ko ngayo'y litung-lito
Ang Diyos kaya'y mahal pa ako oooh
Ilang kaha man sa bibig ay nilaman
Na sigarilyong mahirap iwasan
Sukdulan man ang karumihan
Pagbabagong hanggang sa labi lang
Ang puso ko na ang mundo ang laman
Dilang pagmumura ang alam
Nagkalat na kayabangan
Ang langit pa kaya'y makakamtan
Koro 2:
Di na mawari kung nasaan ako
Ligaw na ligaw ang landas na tinungo
Milyong hakbang man ang tahakin palayo
Si Kristo'y mahal... mahal pa rin ako
Alam ko oooh
Si Kristo'y mahal, mahal pa rin ako
Alam ko...
Bridge:
Jesus na saktan ko ang puso mo
Sa buhay kong iba ang gusto
Ngunit dalangin kong ako'y hanguin mo
Sa pag ibig mo ako'y tulungan mo
Ngayon aking buhay katulad ay putik
Sa krus ng kalbaryo ay pwedeng luminis
Ang pagsinta mo na walang kasintamis
Dinggin mo nawa pagkat ako sayo'y sabik
Koro 3:
Ayaw ko na ngunit bakit ganito
Sa kasalanan ay in na in ako
Ang puso ko ngayo'y litung-lito
Ang Diyos kaya'y mahal pa ako
Di na mawari kung nasaan ako
Ligaw na ligaw ang landas na tinungo
Milyong hakbang man ang tahakin palayo
Si Kristo'y mahal... mahal pa rin ako
Alam ko oooh
Si Kristo'y mahal... mahal pa rin ako
Alam ko oooh
Si Kristo'y mahal, mahal pa rin ako
Alam ko...