Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
User: | Ann Jenette Mallari |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
I
Ang lahat ng tao ay nagagalak
Pag dumarating na ang Pasko;
Tao at gusali, pawang may gayak,
Maligayang araw nga ito!
Koro
Sa awitan ay sumama ka,
Kasayahan ay laganap na;
Ang Pasko'y kapanganakan ni Jesus,
Siya na sa atin ay tumubos!
II
Ang Pasko ay araw ng pagsasaya,
Ang hidwaan ay limutin na;
Paghariin si Cristo sa puso mo,
Bawat araw ay gawing Pasko.
III
Dumatal sa lupa ang Anak ng Dios,
Ang Kanyang pangalan ay Jesus;
Ang pangako Niya sa bawat tatanggap:
Sa paghatol ay maliligtas!