| Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
| User: | Ann Jenette Mallari |
| Duration: | 130 seconds |
| Delay: | 12 seconds |
| Chord names: | Not defined |
| Abusive: | |
| Comment: |
|
I
O kay tamis ng na kay Jesus!
Ako ngayon ay anak na ng Dios;
Ang aking sala'y hinugasan,
Langit sa akin ay binuksan.
Koro
Ang aking awit at salaysay
Ay pagpupuring walang humpay;
Si Jesu Cristong Panginoon
Dinadakila sa maghapon!
II
Nang kay Jesus ay magpasakop
Pangitain ko'y nagbuhat sa Dios;
Mga anghel na nagbabantay,
Sugo ng Dios na mapagmahal.
III
Payapang buhay ay nakamtan
Nang si Jesus ay pagtiwalaan;
Dalangin ko ay mataimtim,
Naghihintay na Siya'y dumating.