Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
User: | Ann Jenette Mallari |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Not defined |
Abusive: | |
Comment: | - |
I
Pinasyahan ko sa aking loob
Na ang susundi'y tanging si Jesus;
Taos sa puso't di makikilos,
Walang urong sa pagsunod!
II
Hindi uurong kahit laitin,
Kahit tawanan ay susunod rin;
Si Jesus lamang ay kilalaning
Mananakop ng salarin!
III
Makikibaka't titiisin ko
Ang pag-aglahi ng mga tao;
Lakas ko't buhay, sampung talino,
Iaalay ko kay Cristo!
IV
Magbuhat ngayon si Jesus lamang
Ang susundin ko sa aking buhay;
Dating pamumuhay ko'y iiwan,
At di ko na babalikan!
V
Panginoon ko, ang Iyong tulong,
Huwag iwalay, samo ko't lungoy;
Habang lakas Mo ang aking baon,
Sa labana'y di uurong!