| Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
| User: | Ann Jenette Mallari |
| Duration: | 130 seconds |
| Delay: | 12 seconds |
| Chord names: | Not defined |
| Abusive: | |
| Comment: | - |
I
Tinig Mo'y aking narinig, Cristo,
Ang badya ay pagmamahal;
Aking nais na pananalig ko
Sa Iyo ay tumibay.
Koro
O Jesus, ilapit Mo ako
Sa banal Mong paanan;
Ang hangad ko'y lalong malapit ako
Sa Iyo nang lubusan.
II
O Jesus, dahil sa pag-ibig Mo,
Buhay ko'y ipaglilingkod;
At Ikaw ang tanging pag-asa ko;
Nais Mo ang masunod.
III
Sa pananalangi'y kausap Ka,
Kay timyas ng bawat saglit;
Kaibigan Kang kaniig tuwina
At tapat kung umibig.
IV
May pag-ibig at may kagalakang
'Di mararanasang lubos
Liban kung masapit ang tahanan
Pagharap natin sa Dios.