Artist: | Cofradia de la Virgen de la Asuncion (English) |
User: | Unknown |
Duration: | 130 seconds |
Delay: | 12 seconds |
Chord names: | Default |
Abusive: | |
Comment: | - |
LA PRIMERA DIAS Y SABADO DEVOCION POR LA VIRGEN DE NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCIÓN, LA MADRE GLORIOSA, REINA DEL CIELO, PATRONA DEL PUEBLO DE NUESTRA SEÑORA DE LOS ANGELES (Es el nombre que se le dio a Marigondón 1611)
AWIT: Inang Niluwalhati
Inang niluwalhati
ni Kristong aming Hari!
Inang pinagpala
ng Diwa ni Bathala!
KORO
Kahanga-hangang tunay
Buhay mong dalisay.
Ang ‘yong katapatan
Di mapapantayan.
Ang ‘yong katapatan
Di mapapantayan.
Alipin ng Panginoon
Inang sa ami’y umampon.
Kami’y ipanalangin
Nang langit aming kamtin.
(Ulitin ang Koro)
+Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo
Amen.
Mga kapatid, sa pagkilala natin at pagpaparagal sa Mahal na Ina na iniakyat sa langit, kinikilala at dinadakila natin ang Diyos na nagpala sa kanya. Kaya’t kilalanin muna natin an gating kahinaan sa harapan ng Diyos upang makadulog tayo sa kanya na may malinis na loob.
Nakayuko kaming lumalapit sa Iyo Panginoon, hindi maitaas ang noo dahil sa kahihiyan sapagkat nakikita namin an gaming kahinaan at nanlulumo an gaming loob dahil sa mga nagging pagkukulang. Habang kinikilala namin ang pag-aakyat m okay Birheng Maria sa langit ay lalong sumisidhi ang aming pag-aatubiling lumapit sa Iyo sapagkat kulang at kulang pa rin an gaming pananampalataya na masunod ang kalooban Mo. Kaya naman, Panginoon, ipagpaumanhin po ninyo an gaming mga pagkakasala at pagkukulang. Ipahintulot po ninyong sa pagnonobenang ito, ang Mahal na Birhen de la Asuncion ay maging iyong tanda na uusig sa amin kung kami’y napapalayo sa Iyo at tagapagpaalaala sa kaluwalhatiang inilalaan mo sa mga tapat sa Iyo upang magsikap kaming maging tunay na Kristyano na nakalaan ang buhay sa ikaluluwalhati Mo. Amen.
MAGNIFICAT
Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon,
Nagagalak ang aking espiritu sa’king Tagapagligtas
Sapagkat nilingap nya,
Kababaan ng kanyang alipin;
Mapalad ang pangalan ko
Sa lahat ng mga bansa
Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon,
Nagagalak ang aking espiritu sa’king Tagapagligtas
Sapagkat gumawa nag Poon
Ng mga dakilang bagay.
Banal sa lupa’t langit
Ang pangalan ng Panginoon.
Ang puso ko’y nagpupuri, nagpupuri sa Panginoon,
Nagagalak ang aking espiritu sa’king Tagapagligtas
PAGBASA NG SALITA NG DIYOS AT PAGNINILAY
Maria: Lingkod na Kapiling ni Kristo at Pinararangalan ng Ama
+Mula sa Mabuting Balita ayon kay San Juan 12:25-26
Ang taong labis na magpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ng napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan. Dapat na sumunod sa akin ang naglilingkod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroroon din ang aking lingcod. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.
(Katahimikan)
PAGNINILAY
Matapos gampanan ng buong husay ng Mahal na Birhen, ang Babaeng lubhang kinlulugdan ng Diyos at bukod na pinagpala sa babaeng lahat ng mga babae, ay tinanggap niya ang putong kaluwalhatian sa piling ng kanyang Anak. Ang Alipin ng Panginoon ay iniakyat sa langit sapagkat kung nasaan ang Panginoon ay dapat naroon din ang kanyang alipin. Pinarangalan ng Ama ang babaeng nakisangkot sa kanyang hangaring maligtas ang lahat ng tao. Nilimot ni Maria ang kanyang sarili upang maisilang ang si Kristo, ang Anak ng Diyos. Isinuko niya ang sarili sa kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya’t naganap ang ipinasabi ng Panginoon sa pamamagitan ng anghel – magiging Ina ng Anak ng Kataas-taasan ang Birheng kanyang kinalulugdan. Kaya naman ayon sa sinabi ng Panginoon sa kung saan siya naroroon ay dapat naroroon din ang kanyang lingcod kaya’t pinanaligan ng mga alagad at ng lahat ng mga mananampalataya kay Kristo na ang Mahal na Birhen ay tunay na iniakyat ni Hesus sa langit.
Tayo hangad ba nating makapiling ang Panginoon sa langit?
Hinangad na ba nating maging lubos na alagad niya?
Isinuko na ba natin ang ating sarili para sa kanyang kapurihan? (Magnilay)
PANALANGIN
Ama naming mapagmahal, pinararangalan mo ang sinumang naglilingkod sa iyong Anak kaya’t pinanaligan naming ang Mahal na Birheng Maria ay tunay na iniakyat sa langit. Sa pagnonobena namin sa karangalan ng Nuestra Senora de la Asuncion ay ipinagbubunyi namin ang babaeng nakisangkot sa plano mong pagliligtas sa tao. Kinikilala namin ang iyong kagandahang-loob sa pagbibigay mo karapatan sa Mahal na Birhen na makasalo sa kaluwalhatian ng iyong Anak sa piling Mo. Yayamang ang Mahal na Birhen ay walang hinangad kundi ang mapabuti ang aming kalagayan, ngayong siya ay nasa harapan mo, kami ay sumasamo na ang panalanging kaniyang iniuukol para sa amin ay iyong sanang pagbigyan. Sa tulong ng kanyang pananalangin ay ipagkaloob mo po sa amin ang biyayang ito (banggitin ang biyayang hinihiling)
Puspusin mo kami ng Esiritu Santo upang kami’y maging tunay na alagad ng iyong Anak na walang ibang hinangad kundi ang sundi ang loob mo. Matulad nawa kami sa Mahal na Birhen na nabuhay dito sa lupa bilang iyong Abang Alipin upang katulad din niya’y makasalo kami sa kaluwalhatian mo sa langit. Hiniihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesus na aming Tagapagligtas at Panginoon. Amen.
AWIT: VIVA! VIRGEN DE LA ASUNCION!
Viva! Viva! La Virgen! Viva! Virgen de la Asuncion!
Ina namig sinisinta;
Karamay ng mga aba.
Viva la Virgen! Viva la Virgen!
Viva! Virgen de la Asuncion!
Iyong ipanalangin na dapat ay pagyamanin,
Ang bukid pasaganain, bundok at gubat hitikin
Ang bayan paunlarin ni Bathalang butihin,
Viva! Viva! La Virgen! Viva! Virgen de la Asuncion!
Ina namig sinisinta;
Karamay ng mga aba.
Viva la Virgen! Viva la Virgen!
Viva! Virgen de la Asuncion!
Kami’y ipanalangin, loob ng Diyos ay sundin.
Ikaw nawa’y matularan sa taglay mong kabanalan.
Upang Poong Butihin sa langit makapiling.
Viva! Viva! La Virgen! Viva! Virgen de la Asuncion!
Ina namig sinisinta;
Karamay ng mga aba.
Viva la Virgen! Viva la Virgen!
Viva! Virgen de la Asuncion!
PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG INIAKYAT SA LANGIT
Mahal na Birheng Maria na iniakyat sa langit, Ina ni Hesus at ng lahat ng mga Kristyano, kami’y lumalapit sa iyo a nakikiusap na samahan kami sa aming pananalangin yamang ikaw ay nakikisalo na sa iyong Anak sa kaluwalhatian sa langit. Ikaw ang Alipin ng Panginoon na walang ibang hinangad kundi ang aming kabutihan. Ang iyong puso’y lagging nakalaang dumamay sa mga anak mong naghahagilap ng tulong. Wala na kaming ibang malalapitan kundi ang iyong Anak na si Hesus. Kaya’t isinasamo naming samahan mo kami sa paghahain n gaming mga kahilingan upang ipagkaloob sa amin ng iyong Anak ag biyayang ito, (banggitin ang biyayang hinihiling) Sa bawat bahagi ng buhay ng aming Panginoon, ikaw ay naroon. Mula sa kanyang pagsilang, pangangaral at mga himala, at hanggang sa paanan ng krus sa Kalbaryo ay sinamahan mo siya. Kasama ng paghahandog ni Hesus ng kanyang buhay ay inihandog mo rin ang iyong sarili para sa amin. Kaya naman, ikaw ay itinampok din niya at tatawaging mapalad sa lahat ng salinlahi. Iniakyat ka niya sa langit sapagkat ang buhay mo’y katangi-tangi.
Ipanalangin mo kami Birheng Maria, tulungan mo kami aming Ina upang ang buhay mo at ni Hesus ay maging bahagi ng aming buhay at ang aming buhay at maging bahagi ng buhay mo at ng Diyos. Matupad nawa sa lalong medaling panahon ang aming hinihiling kung ito’y naaayon sa kalooban ng Diyos upang dito pa man sa lupa ay mapaglingkuran na namin siya katulad ng paglilingkod na iniuukol mo sa kanya sa langit. Amen.
PANALAGIN PARA SA PAMILYA
O Inang niluwalhati ni Kristo, itinangi ng Diyos sa lahat ng mga babae upang maging Birheng Ina ng Manunubos, ipanalangin mo an gaming pamilya at ang lahat ng mga pamilyang kristyano. Ikaw ay katangi-tangi sa lahat ng mga Ina sapagkat sa pamamagitan mo at ni San Jose ay natupad ang layunin ng Diyos na mapabilang ang kanyang Anak sa isang pamilya at sa gayo’y gawing Banal ang bawat pamilya. Ginampanan mo ng buong husay kasama si San Jose ang pag-aaruga at pagmamahal sa Anak ng Diyos na naging Tao.
Ipanalangin mo sa Diyos an gaming pamilya upang makamit namin ang biyayang ito, (banggitin ang biyayang hinihiling) Tulungan mo kami at ang bawat pamilya na maging bukas sa kalooban ng Diyos. Pahalagahan nawa ng bawat mag-asawa ang kabanalan ng kasal-kristyano at itaguyod ng kanilang mga anak na ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos.
Ipanalangin mo na nawa’y maging kalugod-lugod na kanlungan ng bawat kabataan ang kanilang pamilya upang lumaki silang marunong magmalasakit sa sariling pamilya, sa kapwa, sa simbahan, sa bayan, at sa kalikasan. Matuto nawa kami na lagging magpahalaga sa buhay at tingalain namin ang iyong Pamilya bilang isang huwaran na dapat naming tularan upang kami’y maging masigasig sa tagapagbuo at tagapagtatag n gaming pamilya at sa gayo’y makatulong kami sa pagbuo ng lahat pamilya bilang Pamilya ng Diyos. Amen.
PANALANGIN PARA SA BAYAN
Nuestra Senora de la Asuncion, sa loob ng mahabang panahon ay lagi mong pinapatnubayan ang aming bayan. Sa pamamagitan mo’y natupad ang katubusang malaon nang hinihintay ng baying Israel nang isilang mo ang Manunubos na si Hesus.
Hinihiling namin na ipanalangin mo ang aming bayan upang dumaloy mula sa Diyos ang mga biyayang magdudulot sa amin ng tunay na pag-unlad, (banggitin ang biyayang hinihiling para sa bayan) Patnubayan mo ang mga namamahala sa amin, sa Simbahan at ang Pamahalaan, upang sa kanilang pamamahala ay maakay kami sa tunay na daan ng pagbubuo ng Sambayanang maka-Diyos, mak-Tao, maka-Bayan at maka-Kalikasan. Sa pagpapaunlad sa aming bayan, tulungan mo kaming Makita ang kabanlan ng kalikasan at ng buhay ng tao upang aming maibigay ang angkop na pagkilos at paggalang na may kaisahan sa pangarap ng Diyos.
Ipanalangin mo ang lahat ng mga kabataan na siyang pag-aasa at kinabukasan n gaming Simbahan at bayan. Maging matatag nawa ang kanilang loob sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Sa tulong ng iyong pananalangin at n gaming pagsisikap na pamahalaan ang daigdig, magig lakas nawa namin ang ipinakita mong halimbawa nang ikaw ay makiisa sa kalooban ng Diyos upang matupad ang Kanyang Pangarap na muling ibangon ang nagkasala niyang bayan. Sa iyong pagmamalasakit, nawa’y maging bayan ng Diyos ang aming bayan na lagging kumikilala sa Kanya bilang Pastol na taga-akay patungo sa kaganapan ng Kanyang pangarap para sa aming lahat. Amen.
SAMO SA MAHAL NA BIRHEN DE LA ASUNCION
Birheng ipinaglihing walang dungis ng kasalanan, ipanalangin mo kami.
Birheng kinalulugdan ng Diyos, ipanalangin mo kami.
Birheng bukod na pinagpala sa babaeng lahat, ipanalangin mo kami.
Birheng Alipin ng Panginoon, ipanalangin mo kami.
Birheng Maybahay ni San Jose, ipanalangin mo kami.
Ina ng Diyos na naging Tao, ipanalangin mo kami.
Inang kumalinga sa Mesiyas na si Hesus, ipanalangin mo kami.
Inang tumayo sa paanan ng Krus, ipanalangin mo kami.
Inang iniakyat sa langit, ipanalangin mo kami.
Inang niluwalhati ng Diyos, ipanalangin mo kami.
Inang mapalad sa lahat ng salinlahi, ipanalangin mo kami.
Upang kami’y maging bukas sa kalooban ng Diyos, akayin mo kami pinagpalang Ina namin.
Upang kami’y maging tapat sa Pangako ng Binyag, akayin mo kami pinagpalang Ina namin.
Upang kami’y maging tagaganap ng mga Utos ng Diyos, akayin mo kami pinagpalang Ina namin.
Upang kami’y maging tagapagpalaganap ng kaharian ng Diyos, akayin mo kami pinagpalang Ina namin.
Upang kami’y maging tuny na Alagad ni Kristo, akayin mo kami pinagpalang Ina namin.
Upang kami’y maging dapat na tawaging mga Anak ng Diyos, akayin mo kami pinagpalang Ina namin.
Upang kami’y maging dapat na makasalo sa kaluwalhatian ng Diyos sa langit, akayin mo kami pinagpalang Ina namin.
(Tahimik na ilahad ang mga kahilingan)
O Diyos, na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay dinalisay mo ang pagkatao ng Mahal na Birhen at sa pamamagitan ng iyong Anak ay iniakyat siya sa langit upang makasalo sa iyong kaluwalhatian, kalugdan mo ang aming pagsamo upang sa tulong ng Mahal na Ina, Nuestra Senora de la Asuncion, ay makamit namin ang mga biyayang hinihiling. Dinggin mo po ang aming mga samo sa pamamagitan ng HesuKristo na kaisa mo at ng Espiritu Santo sa kaluwalhatian sa langit magpasawalang hanggan. Amen.
PAGPUPURI AT PASASALAMAT
Amang katas-taasanm pinupuri ka namin at pinasasalamatan sapagkat sa kabila ng lahat ng mga naging pagkukulang namin at kasalanan ay patuloy mo pa ring idinudulot sa amin ang iyong awa at mga pagpapala. Salamat po sa paghirang ninyo sa Mahal na Birhen upang maging Ina n gaming Tagapagligtas. Dahil sa kanya ay natuto kami ng kabukasan ng loob para sundin ang kalooban mo. Salamat din sa paghahandog mo sa amin ng iyong pinakamamahal na Anak na humago sa amin sa dilim ng kasalanan at kamatayan. Salamat din po sa patuloy mong pagpuspos sa amin ng Espiritu Santo na nagkakaloob sa amin ng lakas upang mamuhay bilang mga anak ng liwanag. Mula sa kaibuturan n gaming puso ay inihahain namin sa iyo ang mga bagay na dapat naming ipagpasalamat, (banggitin ang mga nais ipagpasalamat). Kulang ang salita para maipahayag namin ang laki n gaming pagkilala sa iyong kadakilaan. Sa patuloy naming pagnonobena at pagkilala sa Nuestra Senora de la Asuncion ay maipahayag nawa namin ang aming pasasalamat sa iyo. Kung paanong inihahain sa iyo ng Mahal na Ina ang aming mga kahilingan lalo’t higit at maialay din niya sa iyo para sa amin ang walang hanggan naming pagpupuri at pasasalamat. At kung paanong ipinagkaloob sa amin ang mga katugunan sa aming dasal at mga biyayang kinakailangan sa tulong ng Mahal na Birhen ay kalugdan mo rin ang mga pagpupuri at pasasalamat na aming inihahain. Ang pasasalamat nawa na aming iniaalay ay magdulot sa aming buhay ng pagtatalaga ng sarili at kababang-loob na maglingkod lagi upang hindi lamang sa salita namin maihayag ang aming pasasalalamat kundi ang aming buhay at mga gawain ay maging pagpapahayag ng kami’y nabubuhay para magpasalamat. Katulad ni Birheng Maria, ang buhay nawa namin ay maging isang puso na lagging nagpupuri sa iyong kadakilaan sapagkat ikaw lamang kasama ni Hesus at ng Espiritu Santo ang aming sinasamba at niluluwalhati magpasawalang hanggan. Amen.
AWITIN: ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya.
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at
Pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami’y mamamatay.
Amen.