| Artist: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
| User: | Dawny C |
| Duration: | 180 seconds |
| Delay: | 12 seconds |
| Chord names: | Not defined |
| Abusive: | |
| Comment: | - |
I. Ako'y sa Haring Dios, Kanyang iniibig,
Tahana'y palasyong marikit;
Maluwalhating langit sa sapiting tunay
Ng lahat ng Kanyang binanal.
Chorus:
Ako'y sa Haring Dios, at anak Niyang giliw,
Kailanman ay di Niya iiwan;
Araw ay sasapit, Kanyang tatawagin
Upang sa piling Niya'y tumahan.
II. Ako'y sa Haring Dios, Puso ko'y panatag
Na ako'y tunay na naligtas;
Ang habag Niya't awa sa aki'y tatanglaw,
Siya'y kublihang maaasahan.
Chorus:
Ako'y sa Haring Dios, at anak Niyang giliw,
Kailanman ay di Niya iiwan;
Araw ay sasapit, Kanyang tatawagin
Upang sa piling Niya'y tumahan.
III. Ako'y sa Haring Dios, Natapat mangako,
Salita Niya'y di maglalaho;
Ang tanang naligtas sa Kanya pipisan
Sa kahariang walang hanggan.
Chorus:
Ako'y sa Haring Dios, at anak Niyang giliw,
Kailanman ay di Niya iiwan;
Araw ay sasapit, Kanyang tatawagin
Upang sa piling Niya'y tumahan.